Farm

Farm mechanization

April 25, 2023 People's Tonight 268 views

BILANG isang agricultural country, nararapat lamang na magtagumpay ang farm mechanization program ng gobyerno para matamo ng Pilipinas ang inaasam-asam na food security.

Kaya nga isa sa priorities ni Pangulong Marcos, na concurrently kalihim ng Department of Agriculture (DA), ang pag-produce ng marami pang farm machineries na kailngan ng mga magsasaka.

Ipinaliwanag ni Marcos na “I took upon myself to head the DA because agriculture plays a major role in the (local) economy’s growth” after the two-year COVID-19 pqndemic.

Napaka-importante sa isang bansa, na kagaya ng impoverished Philippines, na may kakayahan itong gumawa ng sariling farm machineries, ayon pa sa Ilocanong Punong Ehekutibo.

Sa kasalukuyan, ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) at the Science City of Munoz in Nueva Ecija ang gumagawa ng ating mga farm machineries.

Of course, ito ay sa pakikipagtulungan ng PhilMech sa kanyang foreign partners.

Ang locally-produced farm machineries ay kinabibilangan ng mga makinang gamit sa planting, cultivation, harvesting as well as those intended for post production.

Sinabi ni Marcos, na nasa CLSU kamakailan para mag-distribute ng mga proyekto, na ang availability ng PhilMech-made machineries “lessens the need for the country to import similar equipment.”

Talagang napakalaking katipiran sa gobyerno at mga magsasaka kung hindi na tayong umasa sa imported farm machineries at iba pang gamit sa agriculture sector.

Foreign manufacturers at importers lang ang makikinabang kung patuloy ang importasyon ng farm machineries.

AUTHOR PROFILE