Ruru

Farm birthday getaway, sorpresa ni Ruru kay Bianca

March 7, 2024 Vinia Vivar 112 views

Farm getaway ang birthday surprise/gift ni Ruru Madrid sa girlfriend na si Bianca Umali kasama ang pamilya ng aktres.

Makikita sa mga post ng celebrity couple ang ilang kaganapan sa nasabing bakasyon.

Si Ruru ay nag-post ng mga video ni Bianca kabilang na ang pangangabayo nito sa farm.

Sa caption, mensahe ni Ruru sa girlfriend, “Thanks for always being the best.”

Sa post naman ni Bianca ay ipinahayag niya ang kanyang nararamdaman ngayon.

“I love God. I love the people around me. I love Earth. I feel my heart, mind, body and soul are finally in alignment and it feels sensational. Never imagined that the possiblity of feeling ‘whole’ would come around again,” saad ni Bianca.

Sa panayam ng GMA-7 ay ikinuwento ni Bianca kung paano siya sinorpresa ng boyfriend.

“This year is different. It was made extra special by Ruru and my family because they set something up for me. They brought me somewhere far to a farm, and then du’n pala sila lahat,” sey ni Bianca.

“Hindi niya alam,” sabi ni Ruru.

Sey pa ng Black Rider actor, naisip nila ang ganitong birthday gift for Bianca para makapagpahinga na rin ang aktres at makapag-bonding silang lahat.

AUTHOR PROFILE