FALCON

FALCON PINALAKAS NG HABAGAT

July 30, 2023 Zaida I. Delos Reyes 288 views

ISA nang ganap na bagyo ang tropical storm Falcon na may international name na Khanun nitong Linggo ng umaga at patuloy na pinalalakas ang southwest monsoon o hanging habagat.

Batay sa update na inilabas ng PAGASA, lalo pang palalakasin ni Falcon ang habagat na siyang magbibigay ng ulan sa western portion ng Luzon at Visayas sa loob ng tatlong araw.

Huling namataan ang sentro ng bagyo nitong 4:00 ng madaling araw sa 1,190 east ng Norther Luzon.

Dala ni Falcon ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometro bawat oras at pabugsong 115 kph.

Kumikilos si Falcon pa-north northwestward sa bilis na 15 kilometro bawat oras.

Inaasahang mas maraming ulan ang ibubuhos ni Falcom sa mga matataas o bulubunduking lugar.