Default Thumbnail

Ex-supporter ng mga Kaliwa nagbalik-loob sa gobyerno

April 10, 2022 Jonjon Reyes 274 views

BOLUNTARYONG nanumpa ng katapatan at pagbalik loob sa gobyerno ang isang 60-anyos ginang na dating miyembro ng Peoples Movement Against Poverty(PMAP) at suporter ng AnakPawis na kaalyado ng MAKABAYAN BLOC makaraang maramdaman ang programa ng pamahalaan dahil na rin sa epektibong pakikipag-ugnayan at barangayanihan ng mga kapulisan sa lungsod ng Maynila.

Mula sa Delpan, Parola Tondo at Binondo sa Maynila naghahasik umano ng kaguluhan , kaya napagpasiya ang 60 anyos na ginang na may alyas na ” Nanay” na residente ng Parola Compound sa Binondo na kusang loob na sumuko nang mamulat ito sa maayos na programa ng gobyerno alinsunod sa National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict(NTF ELCAC) na programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Napag-alaman na ramdam ng mga residente sa komunidad ang pakikipag-kapwa tao ng kapulisan ng MPD – DELPAN Police Station 12 dahil na rin sa direktiba ni MPD- Director , P/ B.Gen.Leo Francisco sa pamamagitan ng programang sinimulan ni dating NCRPO Regional Director na si General Vicente Danao Jr., na Barangayanihan Caravan sa panahon ng pandemya na ipinagpatuloy ng kasalukuyang Regional Director ng NCRPO na si P/ Major General Felipe Natividad.

Nanumpa rin ang supporter ng nakakaliwang grupo na makikipagtulungan at makikiisa sa batas at alituntunin ng bansa. Nakapag-uwi rin ito ng mga grocery items na ipinagkaloob ng Station Commander ng MPD- Delpan Police Station 12. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE