Default Thumbnail

Estudyante tinakot, ‘finoreplay’ ng ka-chat

April 2, 2023 Edd Reyes 222 views

DUMIKIT umano ang bibig ng 20-anyos na binata sa mga labi ng takot na takot na dalagita. Mula dito ay bumaba ang kanyang halik sa leeg ng biktima. Kasabay nito, abala naman ang kanyang kamay sa paghipo sa dibdib ng menor de edad .

Humingi agad ng tulong sa pulisya ang ina ng menor-de-edad na dalagitang estudyante matapos muntik ng malugso ang puri ng anak ng lalaking naka-chat lamang ng dalagita sa social media Biyernes ng madaling araw sa Malabon City.

Kaagad naaresto nina P/SMSgt. Elmer Sadiua, P/Cpl. Karen Borromeo at P/Cpl. Vicente Evangelista, Jr. ng Malabon Police Sub-Station 7 ang suspek na si John Alexis De Guzman, 20, sa kanyang tirahan sa Sulucan St. Brgy. Hulong Duhat araw ng Sabado, matapos na positibo siyang ituro ng biktima.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Maria Theresa Dagman, ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Malabon police, tinakot at pinuwersa umano ng suspek ang biktima sa pamamagitan ng mga mensahe sa messenger na magtungo sa kanyang tinutuluyang bahay para sila magkausap ng personal.

Napag-alaman na sa iisang barangay lamang naninirahan ang suspek at pamilya ng biktima kaya’t nagawa ng lalaki na maka-chat ang dalagita sa pamamagitan ng social media.

Dakong 3 a.m. nang magtungo ang biktima sa bahay ng suspek at dito na siya umano sinimulang halikan sa labi at leeg hanggang sa damahin na ang kanyang dibdib.

Lalu pang nakadama ng matinding takot ang dalagita nang maramdaman niya ang ginagawang pagdikit at pagkiskis ng suspek ng kanyang ari sa maselang parte ng kanyang katawan kaya’t lakas loob na siyang nagtatakbo palabas ng bahay at isinumbong sa ina ang ginawa sa kanya ng lalaki.

Sinabi ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro na nai-prisinta na sa inquest fiscal ng Malabon City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings ang suspek kaugnay sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

AUTHOR PROFILE