Default Thumbnail

Driver, 56, binugbog na, dinos por dos pa!

April 2, 2023 Jonjon Reyes 264 views

Dahil sa maling akala 

ANTANG gulay nang naglumuhod ang 56-anyos ng driver sa kanyang pahinante.”Parang awa mo na,” marahil ay hinang-hinang pagsusumamo ng biktima na lamog na sa bugbog. Ngunit patuloy pa rin ang suspek sa paghambalos sa matanda.

Ang biktima na nakilalang si Winefredo Belgica, may asawa at stay-in truck driver sa garahe ng North Harbor sa Vitas Street, Tondo, ay binugbog umano na kanyang pahinenteng si Costacio Metuda, ayon sa report ng pulisya.

Agad natimbog ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)- Smokey Mountain Police Community Precinct Station 1 si Metuda matapos magsumbong ang ilan sa mga kasamahan nila sa mga kapulisan.

Base sa ulat na isinumite kay Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., MPD- Raxabago Police Station 1 commander, bandang 10 a.m. nang bugbugin sabay pagpapaluin ng dos por dos ang biktima sa garahe na kapwa nila tinutuluyan ng suspek.

Ayon sa salaysay ng biktima, galit na galit umano ang suspek, dahil inakalang iniwan ito sa biyahe.kung saan magdedeliver sana sila ng mga kargamento.

“Hindi kami nagkaintindihan. Sabi ko abangan niya ako sa tulay pero hindi kami nagkita. Hindi naman pwedeng maghintay pa ako ng mahabang oras. Kailangan kasi mai-deliver na ung mga kargamento na nasa truck,” pahayag ni Belgica.

At pagdating ng biktima sa garahe ay pinagpapalo umano ito ng suspek ng dos por dos sa mukha, tadyang at at mga hita.

Mabilis naisugod si Belgica sa Tondo Medical Center habang inaresto ang suspek ng mga operatiba ng Smokey Montain PCP bago ito iturn-over sa tanggapan ni PLt.Col.Ibay.

Nahaharap sa kasong frustrated murder ang suspek.

AUTHOR PROFILE