Default Thumbnail

Dy isinulong pag-unlad ng agri, turismo, bgy, at iba pa

June 9, 2023 Ryan Ponce Pacpaco 201 views

INIULAT ni Isabela 6th District Rep. Faustino “Inno” Dy V na naghain siya ng mga panukalang batas sa ilalim ng 19th Congress na may kaugnayan sa mga sektor ng agrikultura, kapaligiran, kalusugan, turismo, kabataan at barangay.

Sa pagwawakas ng First Regular Session ng 19th Congress, sinabi ni Dy, chairman ng House special committee on bases conversion, na ilan sa mga panukalang batas na kanyang inihain ay kinabibilangan ng House Bill (HB) No. 1141 o Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso Act, HB 1136 o Cagayan River Basin Development Authority, HB 1204 o Magna Carta for Barangays at HB 1139 o Use of Health Star Rating System.

Samantala, bilang chairman ng House special committee on bases conversion, tinatalakay nito ang iba’t ibang polisiya ukol sa bases conversion at special economic zones na layuning makatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Pinagtibay ng komite kamakailan ang committee report sa substitute bill na layong palakasin ang charter ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Iniulat din ng Isabela lawmaker na naghain siya ng mga panukalang batas para sa 6th congressional district na kinabibilangan ng Isabela 6th District Engineering Office at Isabela Tourism Council at isang resolusyon na layong itulak ang house inquiry tungkol sa mga problema at reklamo sa hinaharap ng ISELCO -I.

Sinabi ng kongresista na patuloy din ang kanyang programang medical, financial, educational at livelihood para sa kanyang mga constituents.

Aniya, ito ay sa pakikipagtulungan ng kanyang tanggapan sa pamahalaan, katulad ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment.

Tinatayang aabot ng 20 libong benefeciaries ang natulungan ng mga nabanggit na programa nuong 2022 at mahigit 8 libo naman hangga ngayon Mayo 29, 2023.

Itinutulak din ng 2nd termer Isabela lawmaker ang mga infrastructure projects sa kanyang distrito ngayong 2023 na kinabibilangan ng 48 Roads, 4 Bridges, 14 Flood Control Structures, 27 Multi-Purpose Buildings, 4 Solar Water Systems at 10 farm-to-market Roads.

Nagsisilbi din si Dy bilang vice chairperson at miyembro ng iba’t ibang komite na kinabibilangan ng House committees on rules, appropriations, at tourism.

AUTHOR PROFILE