BBM Makikitang tinatanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang plaque ng pagkilala para sa naging kontribusyon ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ssa turismo ng bansa mula kay Tourism Sec. Christina Garcia Frasco. Kuha mula sa Facebook page ng Philippine Department of Tourism

DOT kinilala kontribusyon ni Marcos Sr. sa turismo ng bansa

June 28, 2023 Mar Rodriguez 377 views

KINILALA ng Department of Tourism (DOT) ang naging kontribusyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa turismo ng bansa.

Si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tumanggap ng plaque ng pagkilala para sa kanyang ama.

Ito ay iniabot ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng DOT na ginanap sa Manila Hotel.

Si Marcos Sr. ang pumirma ng Presidential Decree No. 189 na lumikha ng DOT noong Mayo 11, 1973.

Inamyendahan ng PD 189 ang Integrated Reorganization Plan at ang Department of Trade and Tourism ay ginawang Department of Tourism.

Pangunahing layunin ng PD ang pagpapalakas ng turismo ng bansa upang makatulong sa pagpapa-unlad ng ekonomiya.

AUTHOR PROFILE