Dizon Hinihikayat ni MPD chief Andre P. Dizon ang publiko na makipagtulungan kontra kriminalidad lalo na sa Lungsod ng Maynila. Kuha ni JON-JON REYES

Dizon: 24/7 ops patuloy; krimen sa Maynila bumaba

April 17, 2023 Jonjon Reyes 355 views

KAPANSIN-pansin ang pagbaba ng krimen sa Lungsod ng Maynila, simula nang maupo si “The Game Changer General” Police Brigadier General Andre P. Dizon bilang Manila Police District (MPD) director batay sa kanilang ulat at buhat ng direktiba sa mga pulis-Maynila na magbantay sa kalsada at pag-igting ng police patrol operations sa naturang lungsod.

Kabilang rin ang bike patrol sa umaga at motorcycle unit naman sa pagsapit ng gabi. Nag-iikot din si Dizon sa mga police stations upang alamin ang mga kalagayan nito at maging ang mga nakatalaga upang tiyaking ginagampanan ang tungkulin.

Patuloy na pinaiiral ang “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations” (SACLEO) at “Oplan Galugad” ng MPD mula sa headquarters at lahat ng police stations nito.

Layunin ng MPD director na ipagpatuloy ang kanyang mga programa para pabilisin pa ang pagtugon at maagap na aksyon sa anumang insidente o krimen sa Maynila at tiniyak na ang buong kapulisan ay nakaantabay “24/7.”

Ayon kay P/Major Philipp Ines ng Public Information Office (PIO) ng MPD, “Para sa kaligtasan ng mga mamamayan sa lungsod, [asahang] makararating ang agarang tugon ni General Dizon [at] kaniyang puwersa kapag nakatanggap ng saklolo o tawag ng tungkulin mula sa mga mamamayan sa oras ng kagipitan.”

Tiniyak din ng MPD chief na magpapatuloy ang pagpapatrol ng mga kapulisan sa lungsod bilang pangontra sa masasamang elementong nais gumawa ng krimen.

Ani Dizon, ang kanilang mga programa ay alinsunod sa “Seen, Appreciated, Felt Extraordinary” (SAFE) Program ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na pinamumunuan ni P/Maj. Gen. Edgar Allan Okubo.

AUTHOR PROFILE