Dingdong

Dingdong, balik-teleserye

July 6, 2022 Ian F. Fariñas 336 views

BALIK-TELESERYE ang Kapuso primetime king na si Dingdong Dantes next year.

Ito ang ibinalita niya mismo sa virtual mediacon kahapon para sa 4th anniversary ng hinu-host niyang Amazing Earth.

Ani Dingdong, maaaring simulan ang nasabing proyekto ngayong taon pero next year na ito ipapalabas.

Hindi naman tinukoy ng aktor kung sino ang makakapareha niya sa bagong teleserye at sino ang magdidirek nito.

Actually, kagagaling lang ng pamilya Dantes sa maikling bakasyon sa Singapore, kung saan nag-enjoy daw ang mga anak nila ni Kapuso primetime queen Marian Rivera sa pagpunta sa night safari.

Bago umalis, kinuwentuhan na raw nila sina Zia at Sixto ng mga papasyalan nila doon at talagang maging sila ni Marian ay namangha nang makaharap na ang wild animals gaya ng leon at elepante.

“Talagang nagliwanag ang mga mata nila (Zia at Sixto) na actual na nandiyan ang mga hayop. Pati kami ni Marian manghang-mangha. That was a very, very good experience for all of us,” kwento pa ni Dingdong.

Dahil sa pandemya, mas type ng mag-asawa na i-expose sina Zia at Sixto sa outdoor activities gaya ng camping at swimming sa beach.

“Para ma-appreciate nila ang ganda ng kalikasan,” sey ni Dingdong.

Samantala, ang four-part anniversary special ng Amazing Earth ay mapapanood simula July 10 sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE