Tunying

Anak ni Ka Tunying, umuwing cancer-free

July 6, 2022 Vinia Vivar 544 views

Cancer-free na ang anak ni Anthony Taberna na si Zoey. Ito ang magandang balitang inanunsyo ng nasabing batikang broadcaster sa kanyang Facebook account.

Narito na nga sa bansa si Ka Tunying at ang kanyang pamilya matapos sumailalim sa treatment si Zoey sa Singapore. Five and a half months din silang nanatili roon.

Sa kanyang post ay abut-abot ang pasasalamat ni Ka Tunying unang-una na nga sa Panginoon. Pinasalamatan din niya ang lahat ng tumulong sa paggaling ng anak, unang-una na nga ay kay Zoey, dahil patuloy itong nakipaglaban at hindi sumuko.

Sa kanyang post ay naikuwento niya ang hirap na dinaanan nila na umabot pa sa puntong nag-agaw-buhay si Zoey sa Singapore.

“Nandito na kami sa ating bayan — pagkalipas ng lima’t kalahating buwan doon sa Singapore hindi para magbakasyon kundi upang humarap sa isang matinding hamon kung saan nag-agaw-buhay ang aming panganay na si Zoey.

“Totoo yun, akala ko ay hanggang doon na lamang talaga. Ganun din pala mismo ang nasa isip ng bata.

“Pero sa pinakamahirap at pinakamasakit na bahagi, doon ko nakita at nadama kung paano gumalaw ang kamay ng Panginoong Diyos. Sa Kaniya kami nagtiwala. Sa Kaniya kami nanghawak.

Walang tigil na panalangin gaya ng bilin ng Ka Eduardo Manalo. At gumawa Siya ng himala. Magaling na si Zoey, kasama namin siya na umuwi. Malakas at buhay na buhay ang pag-asa,” ang pagbabalita ni Ka Tunying.

Sa kanyang mahabang Facebook post ay ibinahagi rin ni Zoey ang kanya journey sa pakikipaglaban sa leukemia.

“And the day i’ve been waiting for came! after 167 long days, we went back home to the philippines. and now i am totally cancer free! i would still have check ups and maintainance drug infusions from time to time, but that is nothing compared to what i’ve been through. i couldn’t have done all of this without the help, support and love of everyone special to me and most of all, God. i never forget to thank Him everyday for healing me and for giving me a chance to live a longer life. thank you also to everyone who prayed and showed their support for me all throughout everything. i guess it’s safe to say that that’s the end of my cancer journey. thank you so much,” ang bahagi ng post ni Zoey.

AUTHOR PROFILE