DILG, BFP, nagbigay ng 35 fire trucks sa mga LGUs
TATLUMPU’T limang bagong fire trucks ang itinurnover sa mga piling local government unit (LGU) beneficiaries ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Bureau of Fire and Protection (BFP) sa isang simpleng seremonya nitong Martes, Oktubre 18, 2022.
Pinangunahan ni DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. at BFP Director Louie Puracan ang turnover ceremony sa mga local executives, at kongresista sa buong bansa.
Bawat fire truck ay kayang maglaman ng 4,000 litrong tubig na sasapat para sa pagtugon sa mga malalaking insidente ng sunog.
Ayon sa mga LGUs na nagawaran ng mga fire trucks, napakalaking tulong ito para sa kanila upang mabilis na maasistihan ang kanilang mga kababayan sakaling magkaroon ng sunog.
Magagamit din umano sa iba pang mga emergency ang mga nasabing fire trucks gaya halimbawa sa sakuna na at kailangan ang suplay ng tubig.