Digital ad series ng Puregold, panalo sa puso ng Pinoy netizens
Upang gunitain ang ika-25 na taon ng Puregold bilang isa sa mga nangunguna sa retail landscape, inilabas nito ang Nasa Iyo ang Panalo digital ad series sa iba’t ibang social media platforms, kung saan nakalikom ito ngayon ng 43.1 milyon online views.
Ang malinis at modernong pagkakalikha ng digital ads ay ginamit upang magpakita ng mga damdaming tapat sa pusong Filipino: Ang kakayahan nating manaig sa harap ng samu’t saring pag-subok ng buhay.
Tampok sa Nasa Iyo ang Panalo digital ad series ang mga tulad ni Justin de Dios ng SB19, Francine Diaz, Luis Manzano at Jessy Mendiola, TikTok star Queenay Mercado at huwarang pole-vaulted na si EJ Obiena.
Binigyang buhay ng mga ad ang paghihirap na hinarap ng mga katauhang ito sa daan patungo sa kanya-kanyang tagumpay.
Maliban sa dami ng nanood, malinaw na nagbigay ang mga ad ng inspirasyon para sa mga netizen na manonood dahil sa magagandang hugot mula sa mga nabanggit na kwento.
Marami sa mga tagahanga at sumusuporta sa mga tampok na katauhan ay naghayag ng pasasalamat at suporta para sa mga kwentong tampok hindi lamang ang mga nasabing personalidad ngunit pati mga aral na magagamit sa pang araw-araw na buhay.
Ang YouTube user na si meowu ay nag-comment sa video ni Justin ng: “So proud of you, kuya Justin!! Sobrang laking impact ng ginawa mo talaga katulad ng pagpapatunay mo na may ibubuga ka pa. Sobrang namotivate mo ako na ipagpatuloy ang mga bagay na nakapagpapasaya sa ‘kin.”
Sabi naman ni its nini sa video ni Francine, “So proud of you, Chin. You are truly an inspiration to the youth. Continue to inspire people. Thank you Puregold for choosing Francine. You chose the right one.”
Marami rin ang napukaw ang damdamin sa kung paano binigyan ng plataporma ng Puregold ang tagumpay ng mga pangkaraniwang Pilipino.
Pahayag ni Nelson Arcilla sa ad na nagtatampok kay EJ: “Kasama mo ang Puregold sa pagkamit mo ng pangarap kaya fight lang.”
Naniniwala naman si Vincent Co, pangulo ng Puregold Price Club Inc, na mahalagang mabigyan ng sigla at pag-asa ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng mga “kwentong panalo” gaya ng mga nasa ad series.
“Mahirap makamit ang tagumpay kahit sa harap ng paghihirap at pagpupursigi, ito ang natutunan natin matapos ang 25 taon sa business,” ani Vincent.
“Mahalaga para sa amin na magsalaysay ng nakakasiglang mga kwento ng mga matagumpay na Pilipino. Sa pamamagitan nito, nais naming ipakita sa aming mga mamimili na sa harap ng hirap, may daan patungo sa tagumpay.”
Ang Nasa Iyo ang Panalo digital ad series ay maaaring mapanood sa mga opisyal na chanel ng Puregold sa YouTube, Facebook at TikTok.