Di pa Pasko, pero dahil Pinoy lambs ko, go!
Mariah sa pag-stream na ng Xmas song niya
PAGTUNTONG ng “ber month” nag-uumpisa nang ipagdiwang ng mga Filipino ang diwa ng kapaskuhan, kumpara sa ibang mga bansa na sa Disyembre pa ito sinisimulan.
Ang ganitong gawi ay naging parte na ng kulturang Pinoy taon-taon, at mukhang ang kilalang American singer-songwriter na si Mariah Carey ay alam na na may ganitong kultura ang mga Pinoy at nakita niya ito sa pagtaas sa stream ng kanyang kanta.
Base kasi sa report sa X (Twitter) ng fan page ng singer-songwriter, nagkaroon ng mataas na streams kumpara noong nakaraang taon sa parehas na araw ang pampasko niyang kanta na “All I Want For Christmas Is You”.
“@MariahCarey’s ‘All I Want For Christmas Is You’ received 316K streams on Spotify yesterday, a 75% increase compared to the same day in 2022,” ulat ng Mariah Carey Charts.
Bilang Setyembre pa nga lang at malayo-layo pa ang kapaskuhan, saad ng 5-time Grammy winner sa kanyang X post ay, “Not yet!!!!”
“I’ll allow it for my Filipino lambs though! (I don’t make the rules!)” dagdag pa ni Mariah.
Nagbigay reaksyon at komento naman ang netizens sa post ng American singer.
“Not Mariah being aware of September being the start of Christmas season in the Philippines.”
“And the world was like wait,what — it’s already Christmas season in the Philippines?”
“The Filipinos love you, Queen!”
“She knows Philippines is the Christmas capital of the world.”
“@MariahCarey, you always have a place in our (Filipino lambs) hearts. Love you, Dahhhlin’.”