Netizens, na-touch sa pa-last shooting day flowers ni Alden kay Sharon
Ipinagmalaki ni Sharon Cuneta ang flowers na ibinigay sa kanya ni Alden Richards sa kanilang last shooting day ng pinagsasamahan nilang Metro Manila Film Festival 2023 entry na “A Mother and a Son Story.”
Nagkaroon na nga ng last shooting day ang movie at bilang pasasalamat ni Alden kay Sharon ay may pa-flowers ang aktor sa kanyang ina-inahan.
Sa Instagram post ni Shawie ay makikita rin ang handwritten note ni Alden na kalakip ng bulaklak.
“Mama, it’s our last day. . .I’m very blessed to have known you. Thank you for everything Ma. Dito lang ako! Love you! Your son, Alden,” ang nakasaad sa note ng aktor.
Nagpasalamat naman si Mega sa kanyang bagong anak-anakan sa pagbibigay sa kanya ng flowers on a sad day.
“I thank Jesus for you, my ‘son’ Alden. I really love you and cherish you. Thank you for being my friend. And thank You, God for this on another “sad” day.🙏🏻🙏🏻🙏🏻❤️❤️❤️ @aldenrichards02,” ang caption ni Mega.
Sa comment section ay na-touch ang netizens sa sweet gesture ni Alden at pinuri-puri nila ang aktor.