
Deputy Speaker Frasco todo serbisyo
TULUY-tuloy ang serbisyo na ibinibigay ni House Deputy Speaker at Cebu 5th District Congressman Vincent Franco “Duke” D. Frasco para sa kanyang mga kababayan kasabay ng paglulunsad ng infrastructure project sa Cebu City.
Pinangunahan ni Frasco ang inagurasyon ng Cotcot River Flood Control Project sa Barangay Tamiao, Compostela na nagkakahalaga ng P98 million.
Sinabi ni Frasco na layunin ng proyekto na maprotektahan ang mga residente na naninirahan sa tabing ilog laban sa pagtaas ng tubig bunsod ng malakas na ulan at pagbaha partikular na sa panahon ng bagyo.
Bago ang paglulunsad at inagurasyon ng Cotcot River Flood Control Project, nagkaloob si Frasco ng P1.6 milyong ayuda para sa 369 benepisyaryo at residente ng Catmon, Cebu.
Makakatanggap ang bawat isa sa kanila ng P4,350. Kabilang sa mga recipients ng P4,350 cash assistance ang mga miyembro ng Liloan Hog Raisers and Growers.
Namahagi rin ang mambabatas ng P3.8 million assistance sa 887 beneficiaries ng Liloan, Cebu na itinuturing na indigent.
Ipinaliwanag ni Frasco na hindi lang infrastructure projects ang kaniyang tinututukan kundi ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa kanyang mga kababayan.