1 sugatan sa pagsabog sa Maguindanao
ISA ang sugatan nang sumabog sa residential area ang dalawang M-79 grenades noong Linggo sa Buluan, Maguindanao del Sur.
Ayon kay Buluan police chief Cemafranco Cemacio, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Purok 3, Barangay Digal, Buluan.
Hindi pa nakikilala ang biktima na dinala sa ospital. Hindi rin alam kung sino ang may kagagawan ng pagsabog.
“One of the grenades landed on the roof of one of the houses that slightly injured one person,” pahayag ni Cemacio.
Kinondena ng opisyal ang insidente dahil walang magandang idudulot ito sa mga residente kundi matakot.
Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman sa papalapit ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 ang pagsabog.