Alden Mga larawan mula sa IG/@supremo_dp at @aldenrichards02

Daniel na-insecure, nagselos kay Alden – Cristy Fermin

December 12, 2023 People's Tonight 156 views

NAGSELOS at na-insecure umano si Daniel Padilla kay Alden Richards ayon sa beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

Sa kanyang online show na “Cristy Ferminute”, tinalakay ng kolumnista ang pagkakataon kung saan nakasama ni Alden ang “A Very Good Girl” actress na si Kathryn Bernardo sa isang pelikula.

Sey ni Cristy, noong panahon na magkasama ang dalawa sa pagbuo ng “Hello, Love, Goodbye” ay na-insecure at nagselos daw ang dating nobyo ni Kathryn sa katambal nito sa pelikula.

Ayon pa sa beteranang showbiz columnist, ang ebidensiya raw nito ay ang paglipad ni Daniel papuntang Hong Kong para sundan si Kathryn.

Binati raw ni Daniel ang lahat ng taong nandoon maliban kay Alden.

“Ang pinakamalinaw doon, noong sumunod siya (Daniel) sa Hong Kong, kay Kathryn, binati niya lahat ‘yung nandoon. Nilampasan niya si Alden,” saad ni Cristy.

“Anong tawag mo doon? O, di ba? Eh ‘di nai-insecure ka at nagseselos ka at the same time,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong gabi ng Nobyembre 30, halos magkasabay na naglabas ng statements sina Kathryn at Daniel kung saan kinumpirma nila parehong tapos na ang kanilang 11-taong relasyon.

AUTHOR PROFILE