Daniel

Daniel, gigil makatrabaho sina John, Zanjoe at Kathryn

April 30, 2023 Vinia Vivar 259 views

Inanunsyo ni Daniel Padilla na tatlong malalaking pelikula ang nakatakda niyang gawin ngayong taon. Naganap ang announcement sa live streaming ng New Movie Alert vlog ng ABS-CBN Star Cinema a few days ago.

Ayon sa aktor, sobrang excited siya sa mga proyekto dahil pinag-usapan nila ng Star Cinema at sila mismo ang pumili ng materyal.

Ang unang project na gagawin ni DJ ay isang psychological suspense thriller, The Guest, with John Arcilla na first time niyang makakatrabaho.

“I’m so very happy and very honored, ang makakasama ko rito, eh, si Sir John Arcilla,” sey ni DJ.

Nang una raw niyang mabasa at malaman ang istorya ng The Guest ay talagang nagustuhan na niya ito. Aniya, matagal na niyang gustong gumawa ng ganitong klase ng pelikula.

Ang naturang proyekto ay mula sa direksyon ni Direk Jerrold Tarog at written by Patrick Valencio.

Up next ay ang pelikulang Nang Mapagod si Kamatayan na hango mula sa short story sa libro ni Ricky Lee na Kung Alam Niyo Lang ang Gagamitin sa Pelikula.

Dito ay ang kaibigan niyang si Zanjoe Marudo naman ang makakasama niya na first time ring niyang makakatrabaoho kaya sobrang excited din ni Daniel.

Sey ng aktor ay matagal na silang nangangarap ni Zanjoe na gumawa ng pelikula together.

“Kaya noong binanggit ito sa akin, nang malaman ko ‘yung project, sino bang gusto kong makasama rito? Alisin na natin ‘yung pagkakaibigan, bilang aktor lang, si Z, alam natin kung anong standard niya sa pag-arte, kumbaga, ‘yung pagiging aktor niya.

“Kaya kesa isipin ko na dahil kaibigan ko siya kaya kami magkasama rito, hindi. ‘Yung kalidad ng ginagawa ni Z, tinanggap natin ‘to,” sey ni Daniel.

Maging si Zanjoe, very happy na makasama ang kaibigan sa isang pelikula.

“Masayang-masaya ako dahil ito yung comeback movie ko sa Star Cinema. Siguro after four or five years ‘yung huli kong project sa kanila.

And sobrang espesyal din nito dahil matalik na kaibigan at kapatid ko ‘yung makakasama ko sa pelikula,” sabi ni Z na dumalo rin sa announcement.

Ang nasabing pelikila ay ididirehe ni Dan Villegas mula sa panulat ni Carmi Raymundo.

The third and last film na gagawin ni Daniel this year ay kasama ang ka-loveteam at girlfriend na si Kathryn Bernardo mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Ani Daniel, siyempre, hindi pwedeng mawala ang KathNiel movie at matagal na nga silang kinukulit ni Direk Cathy.

“It’s been a while. Galing kaming serye (2 Good 2 Be True) pero it’s been a while na makita tayo sa box office ulit. Masyado nang nakaka-miss manood ng pelikula ulit,” wika ni Daniel.

“Hindi kasi natuloy ‘yung huli naming gagawin (ni Kathryn) pero nag-evolve na siya, eh, to this. Ito na. May mga rason ‘yung mga bagay, eh, kaya hindi natutuloy o hindi man nangyayari,” dagdag pa niya.

This time, totoo na raw at final nang gagawin nila ang movie na hindi pa sinabi ang title. Bago raw ang mga gagawin nila ni Kathryn sa movie.

“Medyo matrabaho pero very exciting,” sey pa ni Daniel.

AUTHOR PROFILE