Liza

Liza, tinawag na ‘pa-victim’… KathNiel, idinadawit sa ‘loveteam culture’ hanash ng aktres

April 30, 2023 Ian F. Fariñas 236 views

UMAANI na naman ng kanegahan ang pinakabagong interview ni Liza Soberano kung saan sinabi niya na ang tanging paraan para sumikat sa local showbiz ay ang magkaroon ng ka-loveteam.

Trending nga ang dating Kapamilya at Star Magic artist dahil sa mga pinagsasasabi niya tungkol sa “loveteam culture” sa Philippine showbiz sa Get Real podcast ng Korean singers na sina Ashley Choi and Peniel.

Sa totoo lang, hindi lang si Liza ang produkto ng “loveteam” na nagnais na kumawala sa syndrome. Marami-rami na ring artista ang nagsabi na mas bet nilang mag-grow at mag-explore ng ibang proyekto’t ibang kapareha sa ibang production company bukod sa kanilang home studio.

Pero ba’t nga ba si Liza ng LizQuen tandem ang tila paboritong pagbubuntunan ng pagkasuklam tuwing magsasalita tungkol sa kanyang “nakaraan”?

Ibinigay na halimbawa ng ilang netizens ang real-life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Gaya ng iba reel/real-life showbiz pairs, kapwa gumawa o gumagawa ng mga proyektong solo ang dalawa. Pero, hindi sila naba-bash o isinusumpa ng madla gaya ni Liza.

Komento ng isang netizen, “Liza or Hope Soberano or whatever she calls herself nowadays needs to stop talking about the past. Pa-victim na masyado. Nobody held a señorita 22 against her had & said, ‘Makikipag-LT (loveteam) ka ba o hinde?’ Ginusto niya rin iyon & the perks that came w/it. Dameng ebas. Pwe.”

Dagdag naman ng isa pang fan, “No offense meant, pero Liza should have just shut her mouth up and continue with her chosen path.

“Putting other people and the society that created a Liza Soberano on her interviews WILL NOT make her name famous in the international arena.

“She is not just putting the industry down.”

Samantala, meron din namang mga umunawa kay Liza at nagsabing nagpapakatotoo lamang ang aktres. Valid naman daw ang mga ipinunto nito sa interview kaso lang, mali ang mga salitang piniling bitawan at may asim ang pagkakasabi niya sa mga ito.

AUTHOR PROFILE