Default Thumbnail

Crime group suspek timbog sa Bacolod

September 25, 2023 Jonjon Reyes 148 views

DINAYO ng mga pulis ng Manila Police District ang isang miyembro ng Ruaza Criminal Group sa selda ng Bacolod City police noong Biyernes para doon arestuhin ang isang suspek sa pagnanakaw.

Nakilala ang suspek na si “Edwin,” ng Granate St., San Andres Bukid, Manila.

Base sa ulat ni Police Major Edwin Fuggan, team leader ng mga umarestong pulis, bandang 12:30 ng hapon nang isilbi nila ang warrant of arrest sa suspek sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Barangay Taculing Bacolod City.

Naaresto ang suspek dahil sa direktiba ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, commander ng MPD-Ermita Police Station 5, kasama ang puwersa ng PS8 BCPO sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Jimedel Dellonardo, Police Captain Melvin Mercado at Police Lieutenant Joey Ryan Jacala sa ilalim ni Police Lieutenant Colonel Ryan Bobby Paloma ng Bacolod City.

Samantala, isinilbi sa isang 58-anyos na preso ang arrest warrant dahil sa illegal recruitment noong Linggo.

Nakilala ang suspek na si alyas Gil, ng Neptuno St., Barangay 813, Paco, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Jason Agullon, station commander, bandang 12:30 ng hapon nang isilbi ang arrest warrant sa suspek sa loob ng selda.

AUTHOR PROFILE