Default Thumbnail

CPP-NPA lider para kay Leni

April 18, 2022 Lee Ann P. Ducusin 437 views

HAYAGANG inendorso ng kilalang founder at lider ng teroristang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na si Jose Ma. Sison ang kandidatura ni Leni Robredo bilang pangulo.

Ito ang inihayag ni Sison sa kanyang tweet sa opisyal niyang Twitter account na tila inilaglag din ang kanilang kasamahan na si Ka Leody de Guzman na tumatakbo ring pangulo.

Si De Guzman ay kilalang lider ng manggagawa na sinasabing kaalyado ng NPA.

“Leody is the best presidential candidate because he has best patriotic and progressive program. But Leni is far more winnable and will be able to fight best together with the people,” ani Sison sa kanyang tweet.

Hindi naman ito nakalusot kay Usec. Lorraine Badoy, tagapagsalita ng NTF-ELCAC, na matagal nang iginigiit na nakipag-alyansa na si Robredo sa teroristang grupo.

Mariin itong itinatanggi ng kampo ni Robredo bagama’t sa maraming pagkakataon ay nagpakita na ng suporta ang mga rebelde sa kanya sa pamamamgiatn ng pangha-harass sa mga botante sa malalayong lalawigan at pagdalo sa kanyang mga music rally tulad ng sa Cavite, Laguna at Isabela.

“No less than the founder of this terrorist organization, Joma Sison, tweeted his official endorsement of her is proof positive that thismarriage made in the bowels of hell has been consummated,” ani Badoy.

Bukod kay Badoy, ibinunyag din kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Sen. Ping Lacson ang ugnayan ng NPA kay Robredo.

Matatandaan na sinabi ni Sen. Lacson na tumatakbo ring pangulo na nakumpirma nila na ilang mga rebeldeng NPA ang sumasama at nakikilahok sa mga campaign rally ni Robredo.

AUTHOR PROFILE