Default Thumbnail

Cognitive Revolution 2023

September 30, 2023 Magi Gunigundo 181 views

Magi GunigundoANG wika, kultura, at pag-iisip ay magkakaugnay ayon saWhorf hypothesis na binuo ni Benjamin Lee Whorf. Ang bawatwika ay “nag-uukit” ng katotohanan sa iba’t ibang paraan nanakakaimpluwensya sa ating pananaw sa mundo. Hindi mahinang klase ang ano mang wika kahit itapat pa sa English. Sa katunayan, may mga wikang nagbibigay pa nga ng lamang samga nagsasalita nito laban sa batang Inglisero.

Ayon sa aklat ni David Carroll (Psychology of Language, 5th edition, ©2008), ang mga batang gamit ang wikang Asyanoay nagbibigay ng likas na lamang sa pagbibilang ng mga numerokumpara sa mga batang gamit ang wikang English.

Ang mga batang nagsasalita ng Nihonggo, Hanggul, at Mandarin ay mas mahusay sa pagbibilang ng 11(eleven)hanggang 99(ninety-nine) kaysa sa mga batang nagsasalita ng English. Kailangang maunawaan ng batang Inglesero ang kahulugan ng konsepto ng “eleven, twelve, thirteen, fourteen, fifteen, sixteen, seventeen, eighteen, nineteen.” Samantala, madaling intindihin ng batang Hapon ang “ ju ichi, ju ni, ju san, ju yon,ju go,ju roku, ju shichi, ju hachi, ju kyu,” sapagkat may palatandaan na”ju” na ibig sabihin ay 10(ten). Katumbas ito saTagalog ng labing isa, labing dalawa, labing tatlo, labing apat, labing lima , labing anim,labing pito,labing walo at labingsiyam. Sa Bisaya naman ito ay napulog-usa, napulog-duha, napulog-tulo,napulog-upat,napulog-lima,napulog-unom,napulog-pito,napulog-walo, napulog-siyam. Kaya nganabuo sa Amerika ang kaisipan na basta Asyano ang lahi ng bata, magaling ito sa matematika. Bagama’t ang wika ay isangaspeto lamang na nakakaimpluwensya ng dunong samatematika, lumilitaw na ang mga wikang Asyano ay nagbibigay ng kalamangan patungkol sa mga numero at pagkukwenta sa matematika.

Pinaliwanag ni Levinson (2001) ang dahilan bakit nagbibigay ng diperensya ang wika sa buhay ng bata,“Kapag ang isang bata ay natuto ng isang wika, siya ay sumasailalim sa isang “cognitive revolution,” natututong bumuo ng mga bagong “macro-concepts”na bahagi ng ating kultural na bagahe at tiyak nakontribusyon ng wika sa ating pag-iisip. Pinapasok ng wika ang ating pag-iisip dahil ang mga wika ay masarap gamitin sa pag-iisip.”(sariling salin)

Ang cognitive revolution na nasa isip ng mga bata ay hinahadlangan ng kolonyal na patakaran ng mga Amerikano nasapilitang paggamit ng English sa pagtuturo ng mga batanghindi likas na wika ang English. Nakasira ng husto sa edukasyonng Pilipino ang patakarang ito. Pinatunayan na ito sa 1925 Monroe Report subalit ayaw pa rin isantabi ng mga pinuno ng edukasyon ang patakaran kahit na may kasarinlan na ang Pilipinas mula pa 1948.

Ang patakarang kolonyal ng mga Amerikano ay nabuo sapag-asa na balang araw ay magiging 50th estado ng Amerika ang Pilipinas. Napunta ang karangalan sa Hawaii. Hinayaan na tayong mga Amerikano na pamahalaan ng mga oligarkiya nagahaman sa kapangyarihan at kayaman.

Samantala, hindi mawaglit sa utak ng mga magulang ang paniniwalang mainam maging matatas ang anak sa English para makaahon sa kahirapan kahit na ang kahihinatnan nito ay kahinaan sa matematika at sa kritikong pag-iisip. Mainam ang English upang makapag OFW ngunit hindi sa pag-aanalisa kung sino ang karapat-dapat magsilbing Pangulo. Ang namamayagpag na kaisipang ito ay tugma sa panglalait ng mgaAmerikano na ang mga Pilipino ang Negro ng Pasipiko.Walangmasamang mag-aral ng English, ngunit para mawala ang learning crisis, hindi ito dapat gamitin na pangunahin at ekslusibong wikang panturo.

Para sa mga umuugit ng patakaran sa edukasyon upangmagapi ang “learning crisis” ng bansa, nais kong ipaalala ang tulang sinasabi na sinulat ni Dr. Jose Rizal ngunit tinunton niAmbeth Ocampo na nilikha ni Hermenegildo Cruz. Ang ika-apatat ika-limang saknong ng tula ay akmang pundasyon at diwa ng cognitive revolution sa edukasyon ngayon 2023.

Sa Aking Mga Kabata

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
sa kanyang salitang kaloob ng langit.
sanlang kalayaan nasa ring masapit
katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
at ang isang tao’y katulad kabagay
ng alinmang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita
mahigit sa hayop at malansang isda,
kaya ang marapat pagyamaning kusa
na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,
sa Ingles, Kastila, at salitang angel,
sapagkat ang Poong maalam tumingin
ang siyang nag-gawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba
na may alfabeto at sariling letra
na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
ang lunday sa lawa noong dakong una.

AUTHOR PROFILE