Coco

Coco kailangan munang magpahinga

July 27, 2022 Aster Amoyo 1068 views

MAGTATAPOS na sa darating na August 12 (Friday) ang consistently top-rating and longest-running action-drama digi-TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin. Labis itong ikinalungkot ng mga loyal followers ng nasabing programa. dahil kung sila lamang ang masusunod ay gusto nilang magtuluy-tuloy pa ang pakikipag-laban ni Cardo Dalisay sa mga salot ng lipunan.

Pero kailangan na rin itong tapusin at its peak. Kailangan na kasi ni Coco magpahinga (kahit sandali) at harapin ang iba pa niyang commitments at kasama na rito ang kanyang Metro Manila Film Festival movie na “Labyu with An Accent” na pagtatambalan nila ni Jodi Sta. Maria na siya (Coco) rin mismo ang director using his real name na Rodel Nacianceno under ABS-CBN Film Production. May suspetsa kami na ito’y co-produced ng CCM Productions ni Coco.

Sa 2023 na babalik si Coco sa isang bagong TV series na malamang ay hango rin sa isang classic movie ng yumaong Movie King na si Fernando Poe, Jr.

Coco is a self-confessed fan of the late FPJ at alam ito ng yumaong movie queen at misis ni FPJ na si Susan Roces na nakatrabaho mismo ng actor-director sa “Walang Hanggan” at “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Coco1

Jodi muntik malulong sa droga

FIRST time na magtatambal sina Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa pelikulang “Labyu with Accent” na si Coco din mismo ang magdidirek.

Excited din ang award-winning actress na makatrabaho ang tinaguriang hari ng primetime TV.

Pahinga ngayon si Jodi matapos ang kanyang grueling portrayal sa primetime hit TV drama series na “Broken Marriage Vow,” Philippine adaptation ng hit BBC series na “Doctor Foster” na nagkaroon din ng remake sa iba’t ibang bansa including the Philippines. Pagkatapos ng serye ay nagbakasyon si Jodi sa Europe kasama ang kanyang travel buddy, ang kanyang teen-age son (sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson) na si Thirdy Lacson

Si Jodi ay isa sa stars ng ABS-CBN na loyal sa Kapamilya network since 1998 kahit pa nawalan ang kumpanya ng prangkisa since May 5, 2020.

She’s under contract with ABS-CBN’s Star Magic since 1998. Taong 1999 nang maging bahagi siya ng hit youth-oriented afternoon TV series na “Tabing Ilog.” Taong 2012 up to 2014 nang umalagwa nang husto ang acting career ni Jodi nang gawin niya ang hit morning TV series na “Be Careful with My Heart” na siyang nag-launch ng successful team-up nila ni Richard Yap na isang successful businessman and a married man. Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang dumating na magagandang proyekto sa award-winning actress-entrepreneur.

Samantala, nakilala ni Jodi ang kanyang former husband na si Pampi (son of former Sen. Panfilo Lacson, Sr.) sa set ng “Tabing Ilog”. They first got married on Easter Sunday in 2005 in Las Vegas, Nevada and had their son, Thirdy on same year but five years later ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Hindi ikinaila ng actress na sobra siyang naapektuhan sa break-up nila ni Pampi na naging dahilan ng kanyang pagbibisyo ng sigarilyo, alak at maging sa droga. Pero bago nalugmok sa bisyo si Jodi ay to the rescue ang Christian veteran actress na si Coney Reyes who convinced her na magbalik-loob sa Diyos which led her sa kanyang pagiging born-again Christian. Magmula noon ay iwinaksi na ni Jodi ang bisyo at hinarap nang maayos ang kanyang career.

Sina Jodi at Coney ay nagkatrabaho sa hit TV series na “100 Days to Heaven” in 2011.

Samantala, sa kabila ng pagiging super busy ni Jodi sa kanyang acting career, binalikan nito ang kanyang pag-aaral. Although pangarap noon ng actress na maging isang doctor kaya siya nag-enrol ng B.S. Biology in preparation for her medical school. Natigil ang kanyang pag-aaral in favor of her showbiz career pero muli niya itong binalikan nang siya’y mag-enrol sa Southville International School and Colleges where she took-up and finished B.S. Pschology at naging Dean’s Lister ng nasabing school at siya’y nagtapos nung 2020.

Jodi has been an ambassador ng WHO (World Health Organization) since 2011 na isang malaking karangalan sa aktres.

 

Ngayong tapos na niyang gawin ang hit primetime TV series na “The Broken Marriage Vow,” looking forward naman siya sa pagsisimula nila ni Coco ng light action-romance movie na “Labyu with An Accent” na isa sa mga kalahok sa daratring na 2022 Metro Manila Film Festival.

Kim

Pokwang pinayagan si Malia na mabisita ang parents ni Lee

NASA US concert tour ngayon ang singer-actress-comedian at host na si Pokwang (Marietta Subong) at isinama niya sa biyahe ang dalawa iyang anak na sina Mae at Malia. While on tour, she allowed her two daughters na makita ang kanyang ex-partner at ama ng kanyang bunsong anak na si Malia, ang American actor na si Lee O’Brian para makita ang bata ng parents ng actor.

Kahit walong buwan nang hiwalay sina Pokwang at Lee, nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan dahil na rin sa kanilang anak na si Malia (4) whom they are co-parenting.

Ipinagtanggol ni Pokwang si Lee na isa umano itong mabait, masipag and responsible father kay Malia.

Si Pokwang ay may bagong show sa GMA, ang “TictoClock” na pinagsasamahan nila ng trivia man host at triathlete na si Kuya Kim (Atienza) at ang 2020 Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo na nagsimula nung nakaraang Lunes, July 25.

SUBSCRIBE, like, share and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and Aster Amoyo Official YouTube channel to access to “Inside Showbiz with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE