Cindy

Cindy, sinagot ang isyu ng pagkakadawit sa hiwalayang Aljur-Kylie

July 28, 2021 Ian F. Fariñas 449 views

DIRETSAHANG sinagot ni Cindy Miranda sa kanyang solo virtual mediacon para sa launching pic niyang Nerisa ang isyu ng pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Isa si Aljur sa co-stars ni Cindy sa pelikulang dinirek ni Law Fajardo para sa Viva Films at sakto naman na kasagsagan ng trabaho nila lumabas ang interview kay Robin Padilla tungkol sa nasabing hiwalayan.

Ayon sa beauty queen-turned-actress, ikinagulat talaga niya ang pagkakadawit niya sa kontrobersiya.

Kwento ni Cindy, “Narinig ko na po ’yang isyu na ’yan before pa po mag-start ’yung Nerisa. So I think po, na-timing-an lang po ’yung interview po yata ni Sir Robin Padilla, so they thought na ako ’yung dahilan. “But then, kung malalaman po nila ’yung timeline, it was really before Nerisa pa nangyari ’yan. Kasi nabanggit naman po sa akin ’yan ni Aljur, pero hindi ko man po alam ’yung detalye, I think Aljur po answered na po ’yang mga ganyang question sa ibang interviews. Pero sana maayos po sila. Ayun po.

“Hindi po talaga totoo po ’yung mga isyu na ’yon. Siguro ano lang nila, kasi nga ako ’yung naging partner ni Aljur. But we’re friends, very professional po ’yung naging ano namin ni Aljur, trabaho.”

Sa totoo lang daw, loveless si Cindy ngayon. Wish niya, kung sinuman ang magiging boyfriend niya ay siya na rin ang mapangasawa niya.

Pag-amin pa niya, medyo malayo ang loob niya sa mga lalaki. Kaya raw nu’ng nagsyu-shooting sila ng Nerisa, ang akala ng marami, tomboy siya.

May pagka-introvert din daw siya sa likod ng camera, isang old soul kaya na-bother siya nang pumutok nga ang isyu at may ilang netizens na bina-bash siya’t tinatawag siya ng kung anu-ano gaya ng “kabit.”

Tingin ni Cindy, nasukat na agad ang pagkatao niya dahil sa kontrobersiyang hindi naman totoo at inamin na kahit papaano ay naapektuhan siya nito.

Pero, hindi raw niya ugali ang pumatol sa bashers at lalong hindi siya ang tipo na mahilig mag-post sa social media.

“Hindi po ako ’yung masamang tao na ibinibintang n’yo sa akin. I’m not saying na mabuti po ako. Pero salamat na ang tingin n’yo po sa akin ay mabait. Ayoko pong may masagasaang kahit na sino. ’Yan ang itinuro po sa akin ng family ko. Naisip ko nga rin po na ano na lang ang sasabihin ng family ko ’pag narinig nila ’yang isyu na ’yan? Pero, actually, tinawanan lang po nila. Kasi kilala nila ako,” diin ng dalaga.

Anyway, sa July 30 na ang global premiere ng Nerisa sa Vivamax, ktx.ph, iWantTFC at TFC IPTV. Kasama rin sa cast sina AJ Raval at Sean de Guzman.

AUTHOR PROFILE