Guevarra Bilang pasasalamat sa kabutihang loob ni PGFlex CEO Nelson Guevarra, pinarangalan siya ng Certificate of Appreciation at sinaluduhan ng mga kapulisan sa pamumuno ni P.Lt. Col. Rollyfer Capoquian, ng MPD Station 11 sa Binondo, Manila. Kuha ni JON-JON REYES

Chairman ng MPD 11 Advisory Council nag-aginaldo ng bigas sa mga mahinirap

December 12, 2021 Francis Naguit 996 views

PORMAL na nagtungo sa himpilan ng Manila Police District Binondo Station 11 (MPD 11) si PG Flex CEO Nelson Guevarra at Punong Barangay Jefferson Lau upang ibigay ang mga sako sakong bigas bilang aginaldk sa mga mahihirap sa Binodo, Manila.

Lubos nang pasasalamat ng mga kapulisan sa pamumuno ni P.Lt. Col.Rollyfer Capoquian, MPD 11 commander, sa ibinigay na tulong ni Guevarra.

Ayon kay Guevarra, chairman ng Station Advisory Council ng MPD 11, layunin nito ang pagtulong sa mga nangangailangan.

Kahit noong kasagsagan ng pandemya ay isa si Guevarra sa mga nangunang mag-abot ng tulong at ayuda sa mga Pilipino na umabot sa mahigit isang milyong individual kabilang ang mga LGUs at NGOs.

“Kahit hindi pasko tayo ay tumutulong sa ating kapwa Pilipino maging sa mga nasalanta ng anumang kalamidad tulad ng sunog, bagyo o lindol,” dagdag ni Guevarra.

Bilang pasasalmat, pinarangalan si Guevarra ng isang Certificate of Appreciation at sinaluduhan ito sa kanyang ginawang tulong sa MPD. Francis Naguit & Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE