Default Thumbnail

Brawner, paiiralin ang UNITY sa pamumuno bilang AFP Chief of Staff

July 21, 2023 Zaida I. Delos Reyes 348 views

LIMANG bagay ang pagtuunan ng pansin ni newly-appointed Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Romeo Brawner. Ito ay ang UNITY sa kanyang pamumuno sa organisasyon.

Una rito ang Unification, kung saan nais niyang matiyak na mayroong solid at professional na AFP na susunod sa chain of command.

Ikalawa ang Normalization na naglalayong magbigay ng special attention sa normalization process ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao partikular na sa disarmament , demobilization at reintegration ng mga dating rebelde.

Ikatlo ang Internal Security Operation na tututok sa paglipol sa mga natitirang local terrorist group sa bansa.

Ika-apat ang territorial defense bilang tugon sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang isa man sa teritoryo ng bansa ang isusuko . Plano ni Brawner na i-modernize hindi lamang mga pasilidad ng AFP kundi maging bawat miyembro ng organisasyon.

Ang huli ay ang pagbibigay ng tamang atensyon sa Youth o kabataan sa bansa.

“The AFP will do its share in developing our youth, the future leaders and citizens of our nation to be responsible and patriotic defenders of our national identity as a people and of our territorial integrity,” pahayag ni Brawner.

Si Brawner, ay pormal na itinalaga sa posisyon bilang Chief of Staff ng AFP nitong Biyenes sa isang simpleng seremonya sa Camp Aguinaldo na dinaluhan ni PBBM.

Pinalitan ni Brawner si General Andres Centino na nagretiro at itinalaga naman bilang Presidential Adviser on the West Philippine Sea.