Vic Reyes

BOC, handang makipagtulungan!

February 4, 2024 Vic Reyes 132 views

MULING inulit ni Commissioner Bienvenido Y.Rubio ang kahandaan ng Bureau of Customs (BOC) na makipagtulungan sa iba’t ibang grupo para mapaganda ang serbisyo sa aduana.

Sa kanyang mensahe noong International Customs Day, Enero 29 (Sabado), ni-reaffirm ni Commissioner Rubio ang BOC’s commitment in cultivating new alliances.”

Ito ay naglalayong maging “more responsive, adaptive and resilient” ang administrasyon ng customs sa Pilipinas.

Pinirmahan nga ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). kasama na ang Pilipinas, ang “Mutual Recognition Arrangement for their Authorized Economic Operator (AEO) Programs.”

Sa pakikipagtulungan sa USAID at ASEAN Policy Implementation (API), sumali rin ang BOC sa iba’t ibang training sessions.

Sa pamamagitan ng mga training session na ito ay nasanay ang mga personnel ng BOC para ipatupad ang ASEAN Customs Declaration Document.”

“The document aims to enhance customs practices and develop synergies with other ASEAN member-countries,,” ayon sa report.

Noong nakaraang taon ay pinirmahan din ng BOC ang ilang kasunduan “with other governemnt agencies” para lalong mapabuti ang serbisyo sa aduana.

Ang mga opisinang ito ay kinabibilangan ng Department of Trade and Industry, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Postal Corporation, Philippine Economic Zone Authority at Department of Information and Communication Technology.

Nasa tamang landas ang BOC sa mga ginagawa nitong pakikipagtulungan sa mga pribado at pampublikong tanggapan.

***

Marami ang natutuwa sa sinabi ni Pangulong Marcos na walang magututom na Filipino sa “Bagong Pilipinas.”

Ito ang siniguro ni Marcos sa kanyang ceremonial palay harvesting at distribution ng ibat-ibang ayuda sa mga magsasaka sa Candaba, Pampanga.

Ayon sa Chief Executive na taga-Ilocos Norte na mayroon nang mga modernong kagamitan at sapat na ayuda sa sektor ng agrikultura.

Mahigit na 12,000 magsasaka, 10 kooperatiba at asosasyon ang binigyan ni Pangulong Marcos ng hauling trucks, seeds, financial assistance at iba pang tulong.

Matatandaan na matagal ding pinamumunuan ni Pangulong Marcos ang Department of Agriculture (DA).

Bago lisanin ni Marcos ang DA ay siniguro niya munang naayos na ang maraming problema sa sektor ng agrikultura.

Ayaw na ni Pangulong Marcos na mamayagpag ang mga tinatawag na “hoarder” at profiteer.”

Sa totoo lang, ang mga tiwaling negosyanteng ito ang talagang dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ang gusto ng taumbayan, lalo na ang mga mahihirap at walang trabaho, ay mabulok sa kulungan ang mga “economic saboteur” na ito.

Dapat lang!

***

Buhay na buhay na naman ang tourism industry sa bansa.

Huwag natin kalimutan na kagaya ng manpower export industry, ang dollar-oriented na tourism industry ay major pillar ng ating ekonomiya.

Malaking pera ang pumapasok sa kaban ng bayan dahil sa industriyang ito.

Hindi lang mga turistang banyaga, karamihan ay mga Koreano at Intsik, ang bumibisita sa iba’t ibang tourist destinations sa buong bansa.

Pati local tourists ay nakikipagsiksikan sa Baguio City, Boracay Island, Palawan, Ilocos Norte at Metro Manila.

Ang madalas puntahan ng mga turista sa MM ay Rizal Park at Fort Santiago, parehong may kinalaman kay Jose Rizal, ang national hero ng bansa.

Ang mahalaga ay siguruhin ng mga otoridad ang kaligtasan ng mga turistang pumupunta sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Hindi ba, Pangulong Marcos?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE