Default Thumbnail

Binatilyo tiklo sa kasong ‘rape’

May 28, 2022 People's Tonight 283 views

ISANG menor de edad ang inaresto sa kasong panggagahasa at kabilang sa no. 3 na most wanted sa station level sa San Andres Bukid, Maynila.

Para pangalagaan ang pagkakakilanlan ng batang suspek, itinago sa pangalang “Totoy” ang suspek, ng Arellano St., sa San Andres Bukid na agad nahuli matapos ihain ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mariesther Vedana ng Regional Trial Court Branch 48 ng Maynila nitong alas-4:30 ng hapon, Biyernes dahil sa kasong rape.

Pinangunahan ni P/Major Geuel Capuz, hepe ng Station Warrant and Subpoena Section at ni P/Lt. Renato Ramento ng Follow Section, kapwa MPD- Station 6 ang pag-aresto at matapos iproseso ay itinurn over sa District Social Welfare and Development (Manila Youth Reaction Center) ang 17-anyos na binatilyong suspek. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE