Huli NA-CORNER–Natimbog ng mga operatiba ang carnap suspek na ito matapos na matunton sa Tondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Binata laglag sa carnapping

March 21, 2024 Jonjon Reyes 84 views

NAARESTO ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD) ang 28 anyos na binata dahil sa carnapping sa harap ng isang fast food sa Deca Mall ,Vitas St., Tondo, Maynila noong Miyerkules.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti-Carnapping law) si alyas Japet, residente ng Teresa St., Sta. Mesa, Manila.

Batay sa report ni Police Major Jervies Soriano, hepe ng DPIOU, at Police Major Christian Dee Cacho, ng District Anti-Carnapping Unit, bandang alas-3:00 ng hapon natimbog ang suspek,.

Inaresto siya sa tulong ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Tita Bughao Alisuag, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 1 ng Manila.

Inutos ng korte na maglaan ang suspek ng P300,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

AUTHOR PROFILE