Vic Reyes

Bilang ng namatay sa Maco Davao del Norte, patuloy na tumataas

February 11, 2024 Vic Reyes 136 views

ANG landslide na pumatay ng maraming tao sa Barangay Masara, Maco, Davao del Norte noong Pebrero 5 ay maging eye-opener sana sa mga otoridad.

Sa huling ulat, may 35 katao ang natabunan ng rumaragasang putik at bato mula sa bundok pagkatapos ng ilang araw na malalakas na pag-ulan sa lugar.

Marami pang residente ang hanggang sa sinusulat ang kolum na ito ay pinaghahanap pa ng mga rescuer.

Panahon na para ilikas ng gobyerno ang lahat ng mga nakatira sa mga lugar na landslide-prone hindi lang sa Mindanao kundi sa buong bansa.

Hindi lang matinding pag-ulan ang nararanasan sa maraming parte ng mundo ngayon dahil sa paglala ng climate change.

Nandiyan pa ang mga malalakas na paglindol na nagbibigay ng sobrang takot sa mga mamamayan, lalo na sa mga nakatira sa paanan ng mga bundok.

Alam naman ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga lugar na landslie-prone.

At ang mga lokal na opisyal, lalo na ang mga taga-barangay, ay dapat manguna para hikayatin ang mga nakatira sa mga lugar na ito na lumipat na.

Kung maari lang ay puwersahang alisin ang mga nakatira sa mga delikadong lugar.

Ang problema lang siguro, malaki ang gagastusin kung saan naman dadalhin ang mga ililipat na residente.

Huwag tayong manghinayang sa malaking perang gagastusin ng gobyerno para magtayo ng resettlement areas.

Mas matindi ang perhuwisyo ng gobyerno kapag natabunan ng landslide ang isang lugar o buong komunidad.

Hindi lang mga ari-arian ang masisira, pati na ang life-time savings ng mga residente. kung magkaroon ng massive landslide sa isang lugar.

Marami ang malamang na mamatay kagaya ng kalunus-lunos na nangyari sa Maco, Davao del Norte.

****

Ismagling ang isa sa mga sakit ng ulo ng mga otoridad.

Halos araw na araw na lang ay nasa diyaryo, radyo at telebisyon ang iba’t ibang balita tungkol sa nangyayaring pagpasok ng kontrabando sa bansa.

Sa totoo lang, kawawa naman ang mga taga-Bureau of Customs (BOC) dahil laging sila ang sinisisi sa pagpasok ng mga kontrabando.

Ang hindi alam ng publiko ay imposible namang mabantayan ng mga otoridad ang lahat ng mga isla sa Pilipinas.

Mahigit na pitong libo ang isla natin na puwedeng gamitin ng mga ismagler na entry points sa kanilang operasyon.

Eh iilan lang naman ang mga barko at patrol boats ng Philippine Navy, Philippine Navy, Philippine Coast Guard at iba pang law enforcement agencies.

Talagang mahirap mawala ang ismagling sa Pilipinas.

Mabuti na lang at hindi nagpapabaya ang mga tauhan ng BOC.

***

Sa Miyerkules, Pebrero 14, ay Valentine’s Day.

Sa araw rin na ito ay simula na ng apat-napung araw na “Lenten Season” ng mga miyembro ng Roman Catholic Church.”

Pupunta ang mga Katoliko sa mga simbahan para sa tinatawag nilang “Ash Wednesday,” na kung saan nilalagyan ng pari ng abo ang kanilang noo.

Panahon na ng pagtitika.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected] lang ang buong oangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE