Default Thumbnail

BIDA fun run sa Dagupan, nilahukan ng 12K runners

May 1, 2023 Jun I. Legaspi 239 views

BINIGYAN-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang kahalagahan ng pagbabagong-buhay o rehabilitasyon ng “persons who use drugs” (PWUDs) matapos ang matagumpay na “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” o BIDA Program Fun Run sa Dagupan City, Pangasinan na nagtala ng higit 12,000 na runners – ang pinakamataas na bilang ng mga nakilahok sa kampanya ng kagawaran mula nang maikasa ito noong nakaraang taon.

“Rehabilitation is one critical facet of the government’s war against illegal drugs. More than putting PWUDs behind bars, mas nais nating makapagbagong-buhay ang ating mga kababayan sa nalugmok sa masamang impluwensiya na iligal na droga,” ani Abalos.

Ang pokus ng kampanya, dagdag pa niya, ay ang tulungan ang pagbabagong-buhay ng mga dating nalulong o nagtulak ng iligal na droga.

“Ngayon, we have the Balay Silangan as the shining example of our efforts to focus on reformation and rehabilitation. Once they get out of prison or the rehabilitation center, even if their families and friends give up on them, hindi po natin sila susukuan. Tutulungan natin silang bumangon muli.”

Samantala, pinasalamatan ni Abalos ang higit 12,000 na Pangasinense sa nakiisa BIDA Fun Run sa Dagupan City at hinikayat ang mga ito na huwag bibitiw at suportahan ang pamahalaan sa laban kontra iligal na droga.

“We are here over 12,000-strong. Lahat ng mga naririto ngayon upang suportahan ang adbokasiya natin laban sa iligal na droga, all of you represent our utmost commitment to vanquish this societal evil. Hinding-hindi mananaig ang lason na ito, mananalo tayo,” ani Abalos.

Pinaaalahanan rin ng kalihim ng interyor ang mga lokal na pamahalaan na hindi lamang limitado sa iisang aksyon ang laban sa iligal na droga. “The main purpose of the BIDA Fun Run is not the activity itself. Simula lang po ang BIDA – ang totoong mithiin ay ang pagpapatuloy ng kampanya ng mga LGUs (local government units) even after the event has passed,” aniya.

Binisita rin ni Abalos ang Dagupan City Jail at pagkatapos ay pinangunahan ang groundbreaking ceremony ng slope protection project sa Santa Barbara, Pangasinan kasama ang mga attached agencies ng DILG.

Kasama ni Abalos ang ilang opisyal ng DILG at mga lokal na kinatawan ng Pangasinan sa makasaysayan at matagumpay na BIDA Fun Run campaign sa Dagupan, kasabay ng taunang pagdiriwang ng siyudad ng Kalutan ed Dalan o ang Bangus Festival.

AUTHOR PROFILE