Default Thumbnail

“Best choice” na ‘Amba’

November 7, 2022 Paul M. Gutierrez 215 views

PaulKASAMA tayo sa natutuwa, dear readers, na pinili ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bilang bagong Philippine Ambassador to China si veteran newsman, Jaime Flor Cruz, kapalit ng ating iginagalang at hinahangaan na si late Ambassador Chito Sta. Romana. Pumanaw si Amba Chito noong Abril 18, 2022 sa China matapos tamaan ng COVID-19.

Kasama ni Amba Chito si JF Cruz sa mga ‘na-stranded’ sa China matapos ideklara ni FEM ang batas militar noong 1972.

At katulad ni Chito, isa ring respetadong international journalist at ‘China Watcher’ si JF Cruz na malalim ang pagkaalam sa kasaysayan ng China at kaibigan din ng matataas na lider nito.

Sa panahon ngayon na pilit hinahatak ng ‘Tadong Unidos ang ‘Pinas bilang pambala sa kanyon sa inihahanda nitong giyera laban sa China, isang Jaime Flor Cruz ang kailangan natin bilang tagapamagitan natin sa pamahalaan ng China.

Dapat lang paspasan ng Commission on Appointments ang kanyang kumpirmasyon.

Malaking tulong ito sa Pilipinas, pramis!

AUTHOR PROFILE