
Bebot, 2 kelot huli sa P741K shabu
CABANATUAN CITY–Tiklo ang tatlong drug suspek matapos makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P741,200 at isang 45. caliber pistol sa buy-bust Biyernes ng madaling araw sa siyudad na ito.
Sinabi ni City police head Lt. Col. Warly C. Bitog na isinagawa ang anti-illegal drug operation sa Bgy. Bangad dakong 1:30 ng madaling araw.
Gumamit ang mga pulis ng P1,000 marked money at isa pang P1,000-boodle money sa pagbili ng isang plastic sachet ng shabu sa mga suspek.
Kinilala ang isang suspek na isang 44-anyos na babae, ng Block 22, Lot 19, Univille Subd., Bgy. Bangad, Cabanatuan City.
Arestado din ang kanyang dalawang umano’y kasabwat na isang 40-anyos na lalaki ng Camia St., Bgy. D.S Garcia, at isa pang lalaki, 25, ng Purok Malinis II, Bgy. Barrera, Cabanatuan City.