Posas

Lolo timbog sa P680K shabu

August 4, 2023 Bernard Galang 248 views

CANDABA, PAMPANGA–Arestado ang isang 63-anyos na lolo dahil sa pag-iingat ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 sa Barangay Bahay Pare sa bayang ito.

Kinilala ng PDEA ang suspek na si Ernesto Cruz ng Bgy. Vizal Sto. Niño, Candaba.

Bago maaresto, nakulong na si Cruz ng apat na taon para sa parehong kaso.

Nasamsam kay Cruz ang isang plastic bag na naglalaman ng humigit-kumulang 100 gramo ng shabu at ang buy-bust money.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165.

AUTHOR PROFILE