Bea

BEA, HATE ANG PAG-IISA

April 25, 2023 Vinia Vivar 347 views

Inamin ni Bea Alonzo na totoo na ang mga Libran na tulad niya ay ‘happiest when in a relationship’ at hate nila na mag-isa.

“Happiness is best when shared,” natatawa niyang sabi sa kanyang vlog.

Aminado rin siyang hindi siya nagiging single nang matagal at lagi siyang ‘in a relationship.’ Hindi rin daw niya alam kung bakit.

“Baka kasi laging nagpapadala si Lord ng taong magmamahal sa akin,” aniya pa sabay-tawa. “Hindi ko rin alam kung bakit, hindi ako marunong mag-date. Kung hindi ako interesado sa tao in the first place, I won’t go out with you. So, kung interesado ako sa ‘yo, I will go out with you. Tapos ang ending, napu-fall ako. So, nagiging kami. So, hindi ako marunong makipag-date. I think that’s the problem,” sey ni Bea.

Nagkwento rin ang akres tungkol sa nabili niyang bahay sa Madrid last year.

Aniya, natapos na ang interior design last December pero ‘di pa niya ito nabibisita ulit.

AUTHOR PROFILE