Bea-Dom doomed from the start?
SHOWBIZ breakups are the hottest topics of late.
First breakup this year is the parting ways of Bea Alonzo and Dominic Roque. The two were reported to wed first quarter of 2024, but has been nipped in the bud. Kaya marami ang nanghinayang sa sinapit ng kanilang relasyon.
Itinuturong dahilan ay ang diumano’y paghingi ng pre-nuptial agreement ni Bea kay Dom. Pero pinasinungalingan na ito ni Boy Abunda na isa sa unang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan. Sa totoo lang, may karapatan naman ang aktres para na rin sa proteksyon nito. Lalo na’t dugot pawis ang naging puhunan niya para sa kanyang napundar na ari-arian.
Isa pang isyu na lumutang ngayon ay ang pasabog ng veteran columnist and showbiz talk host Cristy Fermin na ang high-end condominium unit na tinitirahan ni Dom ay diumano’y pag-aari ng isang male politician. The plot thickens, following this rumor.
Malayo ang status ni Dom kay Bea. Bukod sa yaman, superstar status ang aktres samantalang si Dom ay wala pang napatunayan sa kanyang pag-aartista. Kaya raw hindi sila bagay.
Kaya sa umpisa pa lang, doomed na nga raw ang kanilang relasyon. Even if it sounds unfair, ganyan naman talaga ang karamihan sa atin. Mapanghusga sa katayuan sa buhay ng isang tao.
Sana, isaisip natin na all is fair in love.
In fact, kung mapapansin, wala naman talagang naging boyfriend si Bea na mas higit sa kanya.
Siguro, blessing in disguise ito. Baka naman isang araw, makatagpo si Bea ng isang lalaking masasabi ng mga mapanghusgang tao na yun ang nararapat sa kanyang ganda at yaman.
But time is running out, in as far as her body clock is concerned. Sana hanggang maaga pa, matagpuan na ito ni Bea.
Samantala, hangang ngayon, tikom pa rin ang bibig ng dalawa tungkol sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan. Who will be the first to spill the tea? Just asking…
Disclaimer:
Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolumn na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon.
Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]