Batangas niyanig ng 4.8 magnitude lindol

May 15, 2021 Jun I. Legaspi 199 views

NIYANIG ng 4.8 magnitude na lindol ang Batangas Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, ang sentro ng lindol ay naitala sa may 019 kilometro ng timog kanluran ng Calatagan, Batangas.

Tectonic ang origin ng lindol at maabot naman sa 102 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol, ayon sa Phivolcs.

Bunga nito, naitala ang lakas ng lindol sa Intensity 2 sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Tagaytay City, Cavite; at Intensity I sa Calatagan, Batangas

Wala namang inaasahang aftershocks at wala ding ulat ng damage kaugnay ng naganap na pagyanig.

AUTHOR PROFILE