Barbie Barbie Forteza

Barbie inuna ang bahay kaysa kay Taylor Swift

March 2, 2024 Eugene E. Asis 104 views
Rain
Rain Matienzo
Taylor
Taylor Swift

NAKAKABILIB ang aktres na si Barbie Forteza.

Iyak siya nang iyak matapos regaluhan ng kaibigan at co-star na si Rain Matienzo ng ilang Taylor Swift merch kabilang ang isang T-shirt at friendship bracelet.

Certified ‘Swiftie’ si Barbie kaya ganun na lamang ang pasasalamat niya kay Rain na nanood ng Eras Tour sa Sydney, Australia.

Ayon kay Barbie, naiyak siya sa tuwa hindi lang dahil sa merch kundi sa effort ni Rain.

“Mas dun ako na-touch…mas ‘yun ‘yung na-appreciate ko, ‘yung effort talaga ni Rain na pumila. Napakahaba ng pila sa merch talaga and ‘yung friendship bracelet talagang made me feel like I was there,” sabi ni Barbie.

Kung napakaraming local celebrities ang nanood ng Eras Tour kahit sa Australia o sa Japan man (at ngayon, sa Singapore), nagpasya si Barbie na mag-pass muna. “Kasi para sa akin, ito po ay sa akin lamang, I just feel like it is a splurge for me. Sabi ko sa sarili ko, if magpe-perform siya sa dito sa Pilipinas, I will definitely watch it,” ayon kay Barbie sa interview sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Gustung-gusto naman niyang manood talaga ng concert ng idolo, pero pinigilan siya ng pagkakataon.

“(I really like it) But to have to spend for a flight, accommodation, and siyempre to maximize your time to wherever she’s performing, parang it’s too much of a splurge, especially I’m coming from just finishing a house,” paliwanag ng aktres.

“So, parang kasi if it’s just for that, I’d rather spend it for something else. Feeling ko naman magpe-perform siya ulit soon,” sabi pa ni Barbie.

Mas prayoridad ni Barbie ang kasiyahan ng kanyang pamilya. Kaya naman todo-kayod pa rin siya para maibigay ang kanyang pangarap para sa kanila. Sa ngayon, abala si Barbie sa upcoming series na “Pulang Araw” kasama si Alden Richards at sa paghahanda sa Sparkle tour sa Canada kasama ang kanyang ka-loveteam na si David Licauco, gayundin ang mga tambalang Rayver Cruz-Julie Ann San Jose at Ruru Madrid-Bianca Umali.

AUTHOR PROFILE