Default Thumbnail

Barbecue vendor tinangkang ‘tuhugin’ kapitbahay, timbog

May 13, 2021 Melnie Ragasa-limena 410 views

INARESTO ng pulisya ang isang barbecue vendor makaraang hipuan sa maseselang parte ng katawan ang kapitbahay na 25-anyos na babae sa Quezon City, nitong Miyerkules ng umaga.

Ang suspek na nakilalang si Rodolfo Arigo, may asawa, barbeque vendor, ay inireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Rhea, 25, may live-in partner, kapwa residente ng Brgy. Manresa, Quezon City.

Sa report ni PCpl Kristine B Somera ng Women and Children Protection Desk ng La Loma Police Station 1 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 7:00 ng umaga (May 12) ng maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng biktima.

Ayon sa biktima, natutulog umano siya ng maalimpungatan matapos na maramadamang may humihimas sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.

Nang idilat umano ng biktima kaniyang mga mata ay nasa harapan niya ang suspek at wala nang saplot habang pilit na inaalis ang suot niyang short pants at underwear.

Sisigaw umano sana ang biktima pero agad na hinawakan ng vendor ang magkabilang kamay nito at pinagbantaan.

Gayunman, hindi natakot ang biktima at nagsisigaw ito habang nakikipambuno sa suspek kaya walang nagawa ang vendor kundi tumakas.

Una dito, habang nakatayo ang biktima sa pintuan ng kanilang tahanan ay napansin na niya ang suspek na malisyosong nakatitig sa kaniya habang nagtutuhog ng panindang barbecue.

Tinanong umano ng biktima ang suspek kung bakit ganon makatitig sa kaniya pero sa halip na sumagot ay lumapit ito sa biktima at dinakma umano ang harapan at dibdib nito, dahilan upang masampal niya ang vendor.

Nakapiit na ang suspek at inihahanda na ang kasong Attempted Rape and Acts of Lasciviousness laban sa kaniya.