Pagsanjan TAYO NA SA PAGSANJAN–Inaasahang dadagsain ng mga tourists ang Pagsanjan, Laguna dahil sa idaraos na Bangkero Festival 2024, ayon kay Mayor Cezar Areza (2nd from left).

Bangkero fest sa Pagsanjan itinakda sa Abril 4-8

April 1, 2024 Gil Aman 89 views

NAKATAKDANG idaos ang exciting na Bangkero Festival 2024 sa Abril 4-8, 2024 sa Pagsanjan, Laguna.

Kumpiyansa si Mayor Cezar Areza na dadagsain ng mga lokal at foreign tourists ang Pagsanjan sa tulong ng festival bukod pa sa makakahikayat ng mga investors sa bayan ang event.

Nakahanda rin ang ibang government agencies sa festival sa pamumuno ni Gener Dimaranan gayundin ang Tourism department ni Mansley Kimhoko at Pagsanjan police sa ilalim ni P/Major Raymond Austria.

Naka-set na rin ang rerouting plan sa Bangkero Festival para maayos ang daloy ng trapiko sa limang na araw na event.

Magiging wonder of the world ang Pagsanjan dahil sa patuloy na paglago ng turismo, ayon sa mayor.

AUTHOR PROFILE