Diokno

Bagong campaign song ng senatoriable patok, netizens na-LSS

March 16, 2022 People's Tonight 327 views

PATOK sa netizens ang bagong campaign song ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno.

Inilabas noong Lunes ni Diokno ang bago niyang campaign jingle na may pamagat na “Chel Ka Lang”, na ang tono’y hango sa kantang “Cool Ka Lang.”

Umani ng papuri mula sa netizens ang bagong kanta na nakaka-LSS o Last Song Syndrome, ayon sa maraming nagkomento sa Facebook page ng human rights lawyer.

“LSS na this,” post ni Ciara Liezette sa Facebook page ni Diokno.

“Super saya ng jingle! Maraming salamat po! Ipanalo na ito!” komento ng netizen na si Nina Ureta.

Para naman kay Kheena Thrisia Ligas, puwedeng ilaban bilang “song of the year” ang bagong campaign jingle ni Diokno.

“Love the jingle! Very catchy!” ani Kat Solmayor.

Kapag nanalong Senador, isusulong ni Diokno ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang nilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan.

Paiigtingin din ni Diokno ang barangay justice system ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kakayahan ng Lupong Tagapamayapa sa pagtugon sa mga isyung legal.

Makatutulong ang pagpapalakas ng barangay justice system para mabawasan ang kaso sa mga hukuman dahil mareresolba na ito sa barangay pa lang.

AUTHOR PROFILE