BAGIO

BAGIO may new pres, VP

April 1, 2024 Jojo C. Magsombol 89 views

NAGSAMA-sama kamakailan ang mga information officers ng mga bayan at lungsod ng Batangas para ihalal ang mga pangulo ng Batangas Association of Government Information Officers (BAGIO).

Itinalagang kauna-unahang pangulo ng BAGIO si Marie Lualhati (encircled), city information officer ng Batangas City, at vice president si Deyn Dela Piedra, city information officer ng Tanauan City.

Kasabay ng election of officers ang meet and greet gathering sa Batangas City capitol.

Umabot sa 22 bayan at lungsod ang nakapagpadala ng kinatawan sa pagtitipon, kasama ang provincial manager ng Philippine Information Agency (PIA) sa Batangas.

Naki-isa rin si Bhaby De Castro, ang PIA Batangas manager, sa event.

AUTHOR PROFILE