Angeline

Baby boy, ipinagbubuntis ni Angeline sa non-showbiz BF

December 11, 2021 Vinia Vivar 313 views

Finally ay nagsalita na nga si Angeline Quinto hinggil sa ilang linggo nang usap-usapan na nagdadalantao siya.

Sa exclusive interview ni Boy Abunda na The Purple Chair Interview Presents Angeline Quinto sa YouTube na inilabas last Friday night, kinumpirma ni Angeline na magiging nanay na siya at manganganak sa April, 2022.

Isang non-showbiz guy ang ama ng dinadala ni Angeline na, aniya, nakilala niya dahil kaibigan ito ng boyfriend ng friend niya sa Sampaloc, Manila.

“So ngayon, Tito Boy, bale mag-iisang taong mahigit na rin po kami,” aniya.

Ibinahagi ni Angge (nickname ni Angeline) na masaya siya sa piling ng boyfriend at ngayon nga lang daw siya ulit naging ganito kasaya dahil matagal-tagal na rin siyang single.

Inamin ni Angge na may mga anak na sa past relationship ang boyfriend niya pero nilinaw ng singer na hindi ito kasal.

“Ako, para sa akin lang naman, siyempre, bago ka pumasok sa isang relasyon, mayroon kang makikitang mga bagay na kumplikado, eh. Pero tinanggap ko. Kahit alam kong may mga kumplikado sa kanya,” she said.

“Sinabi rin naman niya sa akin, Tito Boy, ‘yung tungkol sa mga past niya. Kasi po, mayroon din siyang anak sa ibang babae,” pagtatapat pa ni Angeline.

Sa usapin ng kasal, ayon kay Angeline, pangarap ito ng kahit sinong babae.

“Sino ba namang babae ang ayaw ikasal, ’di ba? Pangarap ko rin ‘yun, eh. Pangarap ‘yun ng Mama Bob (her adoptive mom who passed away last year). Ang akin nga, sana, naabutan niya, kahit ‘yung baby lang.

“Pero kasi, siyempre, Tito Boy, kapag kasal naman, ibang usapan na ‘yun. Gusto ko, kumbaga, kung ano ang tamang proseso or paghahanda para sa kasal, sana, ‘yun na muna.

“Kasi ngayon, Tito Boy, ang pinaka-priority naman po is ‘yung bata. Siyempre, sa future kung ikakasal kami, siyempre, papasalamat ako,” pahayag pa ni Angeline.

Sa ngayon, sobrang excited na raw siya to be a mom. Hindi pa niya sinabi kung ano ang gender although kinumpirma na nga ni Ogie Diaz na lalaki ang ipinagbubuntis ng singer.

“Excited na excited ako, sa totoo lang. Parang ngayon lang din ako naging excited nang ganito ulit sa buhay ko,” ani Angge.

AUTHOR PROFILE