Crime

BABAE KINATAY SA BANYO

August 28, 2023 Gil Aman 523 views

Ng magnanakaw

PATAY ang isang babae na pinagsasaksak ng hindi pa nakikilalang magnanakaw, na pinasok ang bahay ng biktima at kinulimbat ang mga mahahalagang gamit nito Linggo ng umaga sa Barangay Laram, San Pedro City sa Laguna.

Naisugod pa sa ospital ang biktimang babae na nasa hustong gulang at residente sa naturang lugar.

Subalit idineklarang dead on arrival ang biktima na nagtamo ng iba’t ibang malubhang tama ng saksak sa katawan.

Samantala, hindi pa nahuhuli ang suspek na sapilitang pumasok sa bahay ng biktima.

Nadiskubre ng kapitbahay ang naganap na pagnanakaw ng suspek sa biktima na nag-iisa sa kaniyang tahanan.

Natagpuan ang duguang katawan ng biktima sa mismong banyo nito, kung saan isinagawa ang pananaksak ng suspek.

Matapos ang pangyayari na naganap dakong alas-6 ng umaga, saka kinulimbat ng suspek ang alahas at pera ng biktima gayundin ang ilang personal na gamit nito.

Ang pagnanakaw ng hindi kilalang suspek ay nakarating agad sa pamunuan ng barangay opisyal na ipinagbigay-alam naman sa pulisya.

AUTHOR PROFILE