Crime

Babaeng Chinese tigok sa riding-in-tandem

August 28, 2023 Bernard Galang 497 views

PATAY ang babaeng Chinese nang barilin ng riding-in-tandem noong Linggo sa harap ng Mansfield Residences sa Bgy. Ang Sto. Domingo, Angeles City.

Kinilala ng Angeles City police Director Col. Amado Mendoza ang nasawi na si Arissa Ferrer-Tan.

Nakaligtas naman sa pamamaril si Sia King Hui, na kapwa Chinese ng biktima.

Sa kuha ng CCTV, sakay ang dalawang biktima ng kanilang sasakyan nang lapitan ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo at pinagbabaril si Tan. Agad na namatay si Tan.

Nakasuot ng itim na jacket ang isang suspek at nakasuot ng gray na long sleeves at puting sapatos ang isa pang suspek, ayon sa mga saksi.

AUTHOR PROFILE