Nora

Ate Guy sa mga anak: Mahalin n’yo si John

May 22, 2023 Jun Nardo 645 views

RendezNAKIUSAP si Nora Aunor sa mga anak na mahalin nila ang partner niyang si John Rendez.

Nagsilbing hiling ito ni Ate Guy sa 70th celebration ng birthday niya sa isang hotel.

Present sa kaarawan ng superstar at National Artist ang lima niyang mga anak.

Dumating din si John sa okasyon pero ninais niyang hindi na magpakita pa sa mga anak ni Ate Guy.

Masaya ang buhay ni Nora sa piling ni John kaya pagbigyan sana siya ng kanyang mga anak.

AUTHOR PROFILE