Ataska Larawan mula sa IG/Ataska Mercado

Ataska Mercado makalaglag pantalon

February 21, 2024 People's Tonight 200 views

ISANG magandang tanawin sa mga kelot ang taglay na kaseksihan ng singer-songwriter at Vivamax actress na si Ataska Mercado.

Sa kanyang Instagram page, todo-awra si Ataska sa magkakasunod niyang inilbas na mga larawan.

Walang tapon sa kaseksihan at kariktan ang singer-songwriter. Sumabog ang kanyang kaseksihan sa suot niyang pantalon na nalalaglag mula sa kanyang balakang.

Sinamahan pa ito ng magandang sunset view na naging background ni Ataska kaya naman lalong naloka sa kanya ang netizens.

Bet na bet nila ang mga nasabing larawan ng Vivamax actress, ayon sa ilang komento: “Ginalingan,” “SO GOOD,” “what a view,” at “ang init na nga, lalo mu pa pinapainit.”

AUTHOR PROFILE