Economic

Anti-poverty agenda

April 12, 2023 People's Tonight 243 views

LAHAT ng mga naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay naglunsad ng kani-kanilang “giyera” laban sa kahirapan, pero nandiyan pa rin ang problema na nagpapahirap sa ating lahat.

Matatandaan na”ipinanganak” ang “dollar-oriented manpower export industry” dahil sa kahirapang dulot naman ng kawalan ng trabaho at “low pay” ng mga manggagawa sa bansa.

Hanggang sa ngayon nga ay marami pa nating kababayan ang mas gustong magtrabaho sa labas ng bansa, kasama na ang mga household workers at health professionals na kagaya ng narses.

Hindi naman natin sila masisisi dahil hindi nga nila mapapaaral sa kolehiyo ang kani-kanilang mga anak, kapatid at iba pang kamag-anak kung dito lang sila sa Pilipinas magtatrabaho.

Kaya nga nagpapasalamat tayo sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) dahil nakatakda nilang ilabas sa darating na Hunyo ang “action agenda” para i-address ang kahirapan.

Ang National Anti-Poverty Action Agenda “will be aligned wih the Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028,” ayon kay NAPC Lead Convenor and Secretary Lope Santos III.

Ang PDP ay naglalayong mapababa ang poverty incidence sa Pilipinas mula 18.1% (2021) “to just 8-9% in 2028.

Ayon kay Santos, may utos si Pangulong Marcos sa lahat ng ahensya ng gobyerno na tumulong para matupad ang kanyang pangako na i-uplift ang economic condition ng mga Filipino.

Tama lang ang utos ni Marcos sa mga lingkod-bayan na tumulong sa “all-out war against poverty.”

AUTHOR PROFILE