Angelica

Angelica at Gregg ikinasal sa California

January 2, 2024 Aster Amoyo 257 views

Angelica1Angelica2Angelica3Angelica4ISANG intimate and simple sunset wedding in Los Angeles, California, USA ang naganap sa pagitan ng engaged couple na sina Angelica Panganiban at ng kanyang non-showbiz partner, ang Subic-based businessman na si Gregg Homan sa pagtatapos ng taong 2023 nung December 31, 2023 (123123). Ito’y dinaluhan ng kanilang respective relatives at malalapit na kaibigan which include Direk Andoy Ranay, Kim Chiu at Bela Padilla who flew in from London kung saan ito naka-base ngayon.

Kasama ng newly-wed couple ang kanilang one-year-old daughter na si Amila Sabine na behaved all throughout the entire wedding proceedings.

Ang buong akala ng marami ay ngayong early 2024 pa ikakasal ang dalawa pero nagbago ang kanilang isip when they decided to do it on the last day of December 2023.

Ang nakakatuwa pa, ginawa ang kanilang reception sa In-N-Out Burger fast food chain in L.A., isang indikasyon ng pagiging simple ng wedding ng couple.

Hindi malinaw kung present ang biological American father ni Angelica na si Mark Charlson na nakilala ng Kapamilya actress when she was 24.

The couple met in 2018 in Subic kung saan naka-base si Gregg during the taping ng isang teleserye ni Angelica. It was actress Cherry Pie Picache who introduced Angelica to Gregg who later pursued the actress hanggang maging sila nung 2020. They celebrated their first anniversary bilang magkasintahan nung July 11, 2021.

Months before Angelica gave birth to Amila Sabine, Gregg proposed to her and she gave birth on September 20, 2022.

Ang mag-asawang Angelica at Gregg launched their own vlog, ang The Homans nung May 2022 where they chronicle their day to day activities laluna pagdating sa kanilang daughter na si Baby Bean (Amila Sabine).

Natutuwa ang mga kaibigan at fans ni Angelica na nakatagpo rin ito ng kanyang `Mr. Right’ sa katauhan ni Gregg.

Bago nakilala ni Angelica si Gregg, she was previously in a relationship with actors Carlo Aquino, Derek Ramsay and John Lloyd Cruz.

Samantala, since na L.A. na rin lamang ang magkaibigang Kim Chiu at Bela Padilla, nagdesisyon ang dalawa na dumalaw sa isa pa nilang kaibigan, ang may sakit na si Kris Aquino. Ito bale ang pangalawang beses ni Kim na madalaw ang kanyang Ate Kris na patuloy pa ring nagpapagaling sa kanyang autoimmune disease. Muli silang nagkita roon ng (bati’t galit) nobyong politician ni Kris na si Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Pelikula nina Marian at Dingdong consistent sa pagiging number 1

MASAYANG-masaya ngayon ang celebrity couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera dahil napakaganda ng kanilang natanggap na Christmas gift maging sa kanilang 9th wedding anniversary nung December 30, 2023 dahil patuloy na nangunguna sa takilya ng kanilang reunion movie under Star Cinema, ang”Rewind” na pinamahalaan ni Mae Cruz-Alviar.

Consistent sa pagiging No. 1 sa takilya ang “Rewind” since December 25, 2023 hanggang ngayon kaya malamang na ito’y mag-extend ng playdate even after January 7, 2024, ang opisyal na pagtatapos ng 49th Metro Manila Film Festival.

Samantala, sa pagtatapos ng 2023 MMFF ngayong January 7, 2024, nakatakda namang ipalabas sa Los Angeles, California ang kauna-unahang Manila International Film Festival ang sampung pelikulang kalahok sa MMFF. Inaasahan ang pagdalo sa nasabing festival ng mga lead stars ng sampung kalahok na pelikula. Ito bale ang unang pagkakataon na mapapanood ng ating mga kababayan sa Amerika ang ten official entries ng 49th MMFF.

Pepe bida uli kapareha naman si Toni

JCBIDA uli ang singer at stage, TV and film actor na si Pepe Herrera sa pelikulang “My Sassy Girl,” ang Philippine adaptation ng 2001 hit Korean movie of same title na pinagtatambalan nila ng singer, actress, host, vlogger at film producer na si Toni Gonzaga under TinCan Film Production na pinamahalaan ng actor, writer-director na si Fifth Solomon. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang i-release sa mga sinehan ng Viva Films ngayong January 25, 2024.

Una niyang lead role movie ay ang ‘Hopeful Romantic’ sa ilalim ng Regal Films kapareha si Ritz Azul sa direksyon ni Topel Lee noong 2022.

Si Pepe ay Jose Nicolas Emmanuel Herrera sa tunay na buhay. Siya ay nagtapos sa Conservatory of Music sa University of Santo Tomas kung saan siya naging bahagi ng Coro Tomasino, ang choral ensemble ng UST.

Bata pa si Pepe ay mahilig na siyang kumanta at mag-perform hanggang sa siya’y magtrabaho sa isang cruise ship bilang performer. Pero sa kalaunan ay sumubok siya sa mga stage musical plays at kasama na rito ang “Rak of Aegis” nung 2016 which paved him the way sa pagpasok niya sa showbiz. Naging bahagi siya ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at pagkatapos nito ay naging sunud-sunod na ang kanyang TV and movie assignments.

Si Pepe ay may dalawa nang supling sa kanyang non-showbiz partner na si Sarah Mallari.

Cedrick inaasahang magiging mas busy

CedricHANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang actor na si Cedrick Juan na siya ang tinanghal na Best Actor sa 49th Metro Manila Film Festival awards night dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa historical film na “GomBurZa” na pinamahalaan ng Best Director winner na si Pepe Diokno. He bested the likes of Christopher de Leon, Piolo Pascual, Dingdong Dantes, Derek Ramsay and Christian Bables na isang malaking karangalan para sa kanya.

Ayon kay Cedrick, ang kanyang Best Actor trophy will inspire him more na pagbutihin ang kanyang trabaho bilang actor which took him ten years bago siya nakapag-uwi ng tropeo.

The young actor is thankful hindi lamang kay Direk Pepe kundi maging sa mga producer at maging sa mga nakasama niya sa movie, gayundin sa mga taong patuloy na tumatangkilik sa pelikula.

Nakatulong nang husto ang pitong major awards ng “GomBurZa” para madagdagan ang mga sinehan na pinapagpalabasan nito maging ang curiosity ng mga manonood na tangkilikin ang pelikula.

Inaasahan ang pagiging busy ni Cedrick ngayong taon at susunod pang mga taon.

Miles hindi nakapagtataka ang panalo

MilesHINDI kami nagulat nang manalo bilang Best Supporting Actress sa 49th MMFF Awards Night si Miles Ocampo dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang “Family of Two (A Mother and Son Story)” na pinangunahan nina Sharon Cuneta at Alden Richards at pinamahalaan ni Nuel Naval under Cineko Productions.

Anim na taong gulang pa lamang si Miles nang siya’y magsimula sa kanyang showbiz career bilang child actress na kanyang sinimulan sa kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”.

In her two decades in the industry ay ngayon lamang nakakuha ng acting award si Miles kaya sobra itong memorable sa kanya.

Nagdurugo man ang puso ni Miles sa break-up nila ng kanyang dating boyfriend, ang actor na si Elijah Canlas, napunuan naman ito nang siya ang tanghaling Best Supporting Actress sa 2023 MMFF Gabi ng Parangal.

Thankful si Miles kina Sharon at Alden, kay Direk Nuel at sa Cineko Productions for the big opportunity na ipinagkatiwala sa kanya.

After being with ABS-CBN’s Star Magic for many years, siMiles ay nasa pangangalaga ngayon ng Crown Talent Management (CAM) na pinamumunuan ng singer, actress, dancer at entrepreneur na si Maja Salvador. Napapanood din siya sa noontime program ng TV5, ang “E.A.T.” nina Tito, Vic & Joey.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE